May 18, 2024

ENTERTAINER NAGPATIWAKAL DAHIL SA COVID-19 PANDEMIC

Matapos mawalan ng trabaho, isang 21-anyos na entertainer ang nagpasyang kitilin ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti sa loob ng kanyang bahay sa Malate, Manila.

Dakong alas-3:47 ng hapon nang matagpuang patay ang naturang entertainer, na nakatira sa Adriatico Street sa nabanggit na lugar.

Ayon kay PSS. Mark Daniel De Guzman, ng Manila Police Ditrict-Homicide Section, base sa salaysay ng live-in partner ng biktima, naging problemado ang nasabing  entertainer matapos mahinto ang hanapbuhay.

Nabatid na ang naturang biktima ay entertainer sa mga party.

Nagtatrabaho sa casino ang kanyang partner subalit hindi ito regular na empleyado.

Isasalang sa autopsy ang katawan ng biktima upang matiyak na walang foul play na naganap sa pagkamatay ng naturang entertainer. (BOY LLAMAS)