Bibida ang Tokyo Olympics medalists sa ‘2021 Top Athletes of the Year bilang year-ender sa section na ito. Siyempre, sila ang bumandera sa pagbibigay ng karangalan sa ating bansa. Markado ang ginawa ni Hidilyn Diaz sa pagsungkit ng first-ever gold medal sa olympics. Na hinintay ng sambayanang Pilipino sa loob ng mahigit 90 taon.
Kuminang din sina silver medalist Nesthy Petecio sa larangan ng boxing. Ag dalawang bronze medal ay mula rin sa sports na ito. Na inambag nina Carlo Paalam at Eumir Felix Marcial.
Di rin mawawala sa listahan si teen tennis sensation Alex Eala. Na nagpakitang gilas sa ilang torneo. Kabilang na ang pagsungkit sa doubles champion sa tennis.
Kasama rin si pole vaulter EJ Obiena na nagtala ng impressive marks. Kahit nasangkot sa kontrobersiya, di pahuhuli ang inambag nito para sa bansa.
Markado rin ang ginawa ni word’s number 1 Karateka James De los Santos. Umani ng mahigit sa 30 gold medals si James sa mga sinalihang torneo nito.
Atin pang ilalahad ang iba pang kuminang na mga Pinoy athletes at personalities sa taong ito.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2