November 2, 2024

TOKYO OLYMPICS, BIGGEST MEDAL HAUL NG PINAS SA KASAYSAYAN NG OLYMPICS

Ang Tokyo Olympics ay masasabing history ng Pilipinas pagdating sa medal haul. Sapol nang sumali ang bansa sa 1924 Paris Olympics. Mga 1 o 3 medals lang ang naiuwi ng Pinas sa isang yugto ng olympics. Pinakamarami na ang 3 noon na nadagit sa 1932 Los Angeles Olympics.

Sa kabuuan, 12 na ang medalyang namina ng bansa. Isang gold, 2 silver at 7 bronze.

Pero itong 2020 Tokyo Olympics, lumagare ang mga atleta para makasungkit ng more golds.

Una nang bumuhat ng gold medal si Hidilyn Diaz sa weightlifting. Ito ang unang gold medal ng bansa na nasungkit sa olympics. Ikalawa ay si boxer Nesthy Petecio na umupak ng silver.

Siya rin ang kauna-unahang Pimnay boxer na nakakuha ng silver medal sa olympics.

Nakasisiguro na rin ng medalya sa 2 pang pambato ng Pinas sa boxing.

Ito ay sa katauhan nina Carlo Paalam at Eumir Felix Marcial. Ito ang bunga ng kanilang pagod at determinasyon. Ang pagpupunyaging mabigyan ng karangalan ang bansa.

Higit sa lahat, kaakibat ng kampanyang ito ang pagtitiwala sa Panginoong Diyos.