May 2, 2024

TOBIAS HARRIS, BUMIDA SA PAGLIGWAK NG 76ERS SA WIZARDS, 125-118

Bumanat si Tobias Harris ng 37 points sa panalo ng Philadelphia 76ers sa Washington Wizards. Niligwak ng Sixers ang Wizards sa iskor na 125-118 sa Game 1 ng Eastern Conference playoff series.

Sa first hal pa lang ay bumira na si Harris ng 28 points. Nag-ambag naman si Joel Embiid ng 30 points sa loob ng 30 minutes.

Tumulong naman si Seth Curry sa pagbuslo ng 15 points at 11 naman ang inambag ni Danny Green.

Naging dikit ang laban sa loob ng three quarters. Lumamang pa ang Wizards ng 5 points. Ngunit, kumawala ang Sixers sa kaagahan ng 4rth quarter.

Kung saan ay lumamang sila ng 11 points. Sinikap dumikit ang humabol ng Wizards. Subalit, napigilan sila ng host team.

They’ve got a super dynamic back court with Bradley Beal and Russell Westbrook, so we wanted to limit them from making shots,” ani Harris patungkol sa Wizards.

Nanguna naman si Bradley Beal sa Washington sa pagtipa ng 33 points, 10 boards at 6 assists. Si Russell Westbrook naman ay bumuslo ng 16 points, 15 assists at 5 rebounds.