May 18, 2024

TNT BLACKWATER BOSSING, NILASON ANG TROPANG GIGA

Naitala ng Blackwater Bossing ang isang upset win kontra TNT sa PBA Season 47. Nilason ng una ang huli, 85-78 sa laro na idinaos sa Ynares Center sa Antipolo. Bumida sa panalo ng Bossing ang 35-anyos na si JVee Casio.

Pumukol si Casio ng 22 points at 12 rito ay naibuslo niya sa fourth quarter. Ikinatuwa naman ni Blackwater coach Ariel Vanguardia ang ginawa ni Casio. Ibinabad kasi nito sa endgame ang veteran point guard.

Siya rin ang dahilan upang makabalikwas ang Bossing sa 78 all at maitala ang 7 point breakaway.

 “Who wouldn’t? Sabi ko naman, hulog ng langit si JVee sa amin,” sabi nito.

 “Honestly, we weren’t expecting to get him. Pero hulog ng langit, nakasama siya sa trade last year. I’ve always been a fan of JVee’s game,” dagdag nito.