
Nilapa ng Minnesota Timberwolves ang Golden State Warriors, 119-99. Sinamantala ng una ang pagkawala nina Stephen Curry at Draymond Green. Kaya, nakuha nila ang isang blow-out win.
Nanguna sa big win si Karl Anthony Towns sa pagbira ng 26 points. Kasama na rito ang 11 rebounds at 2 blocks. Gumawa naman ng 20 points, 4 rebounds at 3 ast si Jordan Poole sa Warriors.
Samantala, nanguna naman si Devin Booker sa panalo ng Phoenix Suns. Inihaw ng Suns ang Detroit Pistons, 135-108. Kumana si Booker ng 30 points, 4 rebs at 4 assists. Nag-ambag naman si JaVale McGee ng 20 points at 6 rebounds.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT