June 21, 2024

TIM CONE, NILINAW NA HINDI RELATED SA COVID-19 ANG PAGKAKASAKIT NI STANDHARDINGER

Inaasahan ni Brgy Ginebra coach Tim Cone na makalalaro si Christian Standhardinger sa Game 1 ng PBA Governors Cup Finals. Nagkasakit kasi ang big man ng Gin Kings habang papalapit na ang serye.

Katunayan, hindi nakadalo sa practice ng team si Standhardinger. Ayon sa ulat, magsama ang pakiramdam nito at nagsusuka. Hindi nakadalo ang Fil-German sa traditional pre-Finals press conference sa Novotel.


Kinalaro din ng coach na ang kondisyon ng player ay hindi related sa COVID-19. Kaya, kumpiyansa si Cone na makalalaro ang cager sa Game 1 kontra sa Meralco Bolts.


Christian just had a non-COVID related illness. We’ve tested him. He’s just feeling under the weather,” sabi nito.


Sa kabila ng karamdaman, nakadalo si Standhardinger sa video and game planning ng team.