November 30, 2023

Tim Cone, excited sa pagbabalik ni Greg Slaughter sa Ginebra

Dalawang buwan pagkatapos magkampeon sa PBA bubble, excited si coach Tim Cone. Ito’y dahil sa isang big come back na mangyayari.

Magiging double wish granted aniya ito dahil sa pagbabalik ni big man Greg Slaughter. Kinumpirma ito ni coach Tim sa kanyang reply sa post ng isang fan sa Twitter.

 “Greg has signed. Although I’m not privy to the details,” he told the Inquirer. “We’re happy to have him back,” aniya.

Aniya, tapos na ang sabbatical period ni Greg. Ibang ‘Gregzilla’ ang ipinamalas nito sa kanilang practice.

 “He gives us such great versatility and a huge presence in the paint,” ani Cone.

Ayon pa sa champion coach, malaki ang in-improved ni Slaughter. Tiyak na magiging matibay ang front lina ng team. Lalo pa’t buong muli ang duo nila ni Japeth Aguilar.

Ang muling pag-re-acquired kay Slaughter ang magiging susi ni Cone. Ito ay bilang paghahanda sa malalakas na team.

Kagaya na lamang ng San Miguel Beermen na mas pinalakas sa pagrekta ni CJ Perez.