May 15, 2024

TIGNAN: Mga pakalat-kalat na kabataan sa Maynila dinampot

NASAGIP ng operatiba ng Manila Police District Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMaRT) ang mga pakalat-kalat na mga kabataan, kasama na rin ang kanilang mga magulang sa kahabaan ng G. Perfecto St,. Tondo Maynila na lumalabag sa kautusan ni Manila Mayor Isko Moreno na nagbabawal sa mga menor de edad na lumabas sa tahanan dahil sa nagaganap na pandemya dulot ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.