
BUMISITA si Mayor John Rey Tiangco sa Navotas City Hospital, Navotas Bahay Pag-asa, at Navotas City Jail upang magbahagi ng saya, pag-asa, at malasakit sa kabila ng kanilang pinagdaraanan. Aniya sa munting paraan, nais niyang ipadama na hindi sila nag-iisa at may mga taong patuloy na nagmamalasakit sa kanila. Dagdag niya, isama sana sila sa ating mga panalangin para sa isang masaya at masaganang bagong taon. Nawa’y magsilbi itong paalala na ang tunay na diwa ng Pasko ay ang pagmamahalan at pagkalinga sa kapwa. (JUVY LUCERO)
