May 28, 2024

THUNDER NAKALIGTAS SA PELICANS SA GAME 1

UMISKOR si Shai Gilgeous-Alexander ng 28 puntos, kabilang ang go-ahead basket sa huling minuto, kaya naman nagawang payukuin ng Oklahoma City Thunder ang New Orleans Pelicans 94-92 sa Game 1 ng kanilang NBA first-round Western Conference playoff series kagabi.

Hindi pumasok ang tres ni CJ McCollum ng New Orleans sa huling segundo kaya nasungkit ng Thunder ang panalo para sa unang home playoff game simula noong 2019.

Nakapagtala si Jalen Williams ng 19 puntos habang si Chet Holmgren ay may 15 points, 11 rebounds at limang blocks para sa Thunder, na magho-host sa Game 2 sa Miyerkules ng gabi.

Sa Pelicans naman, umiskor ng 21 puntos si Trey Murphy III at 20 puntos kay McCollum. Nanatili sa labas ng court dahil sa kanyang pilay si Zion Williamson, ang lead scorer sa regular season. RON TOLENTINO