May 16, 2024

The Undertaker,sasalang sa Wrestlemania 37 ayon sa report

Tatlong buwan pagkatapos niyang opisyal na magretiro, nakatakdang bumalik si WWE legend The Undertaker.

Nagretire si Undertaker, 55-anyos sa WWE noong November sa Survivor Series. Ito’y kaalinsabay ng kanyang debut sa nasabing event, 30 taon na ang nakararaan.

Dahil sa suki na sa Wrestlemania ang tinaguriang ‘The Phenom’, nakatakdang bumalik si Taker.

Si Undertaker ay si Mark Lucas Calaway sa tunay na bvuhay. Binansagan ding siyang ‘The Deadman’.

Ayon sa insider account @ WrestleVotes, hindi pa tiyak ang future ni Undertaker. Bagama;t sinasabing tapos na siya sa kanyang wrestling career, nadoon pa rin ang kanyang puso’t diwa sa lona.

Batay pa sa ulat, kinukumbinsi ng WWE Chairman Vince McMahon na bumalik. Kung mangyayari, tiyak na sasalang si Taker sa Wrestlemania.

Na nakatakdang idaos sa Abril 10 o 11 sa Raymond James Stadium sa Tampa, Florida.

Bukod kay Undertaker, may sisit din na sumalang sina John Cena at Bill Goldberg sa Wrestlemania 37.