May 18, 2024

TERRENCE WILLIAMS AT 18 EX-NBA PLAYERS, KINASUHAN DAHIL SA HEALTH PLAN SCAM

Kinasuhan si NBA player Terrence Williams at 18 iba pa dahil sa health plan scam. Kabilang din sa idinemanda sina ex-NBA players na sina Tony Allen at Sebastian Telfair.


Ayon sa ulat, nagbulsa sina Williams ng $2.5 million dahil sa panloloko. Binago ng mga ito ang health at welare benefit plan ng NBA. Nagsasagawa rin sila ng fictitious medical at dental expenses.


Nagsimula umano ang raket ng mga ito noon pang taong 2017. Ang dating Brooklyn Nets player na si Williams din ang lider ng grupo. Kung saan, nakatatanggap siya ng payout na umabot sa $7,692.

Sa kabuuan, may kickback siyang $230,000 mula sa kita nila na umabot sa $343-million kahit si na sila naglalaro sa NBA.Sa ngayon, 15 former NBA cagers na ang naaresto dahil sa scam.


“The defendants’ playbook involved fraud and deception,” ani U.S. Attorney Audrey Strauss sa news conference kaharap ang FBI agents.