May 5, 2024

TERRENCE ROMEO AT MISIS, HIWALAY NA AYON SA VETERAN SHOWBIZ COLUMNIST

Hiwalay na raw si Terrence Romeo ng San Miguel Beermen at ang misis nitong si Pia ayon sa ulat ni Cristy Fermin. Sinabi ito ng batikang showbiz host sa kanyang programa na ‘Cristy Ferminute’ sa One Sport PH.


“Sawsawan na lang natin itong latest issue na nakarating sa atin. Na si Terrence Romeo, ang magaling na player po ng San Miguel, ng SMB, ay hiwalay na saka si Pia,”aniya.


Naaawa umano si Nanay Cristy kay Pia na sinabing kaibigan niya ito. Gayundin ang co-host nito sa programa na si Romel Chika. Ayon pa sa veteran showbiz columnist, masyado aniyang ian-inlove si Pia sa baller. Wala raw kasalanan ang babae kundi magmahal.


Alam mo, ‘yan din naman ang pananaw ng marami e. Masyadong na-inlove si Pia kay Terrence, masyadong naging faney. Fan na fan. Hindi niya ipatatalo si Terrence kahit kailan.”


Bobonggahan niya ang pagsuporta. Anong nangyari ngayon, nu’ng magkautang-utang si Pia, ang dami-daming naniningil na ang daming magdedemanda, nasaan si Terrence? Tumakbo, wala na. Hindi na siya sinamahan. Hindi ba dapat ‘pag karelasyon, sa hirap at sa ginhawa,” aniya.