PINANINDIGAN ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) President Alejandro Tengco ang bagong logo ng naturang ahensiya, sa kabila ng pambabatikos na natatanggap nito mula sa mga netizens.
Ang bagong logo ay inilabas kasabay ng selebrasyon ng 40th anniversary ng PAGCOR.
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagpapasinaya sa bagong logo.
“I will be honest with you. I am not affected at all,” matiwasay na sinabi ni Pagcor President Alejandro Tengco.
Sa isang ambush interview, sinabi niya na, “We made a good decision and yung decision na iyon ay paninidigan namin.”
Naglaan ng P3 milyon ang PAGCOR para sa rebranding campaign ng ahensiya.
Ayon kay Tengco, ang nasabing halaga ay ginamit hindi lamang para sa bagong logo, kundi maging sa pag-produce ng iba pang materyales.
“Hindi lamang P3 million yung logo lang. There are so many other deliverables granted from the designer tulad (ng) like manuals,” paliwanag ni Tengco.
“Mali yung pag-iisip na yung 3 milyon para sa logo lang. (Pero) merong mga aral na ginawa at maraming gamit din ang kailangan pang asikasuhin yung designer,” saad niya.
Ang paraphernalia ay dinisplay at ginamit sa aabot sa 45 properties ng PAGCOR.
Magsasagawa naman ng imbestigasyon ang House of Representatives matapos umani ng negatibong reaksyon ang bagong logo ng PAGCOR.
More Stories
PILIPINAS NAGHAHANDA NA PARA MAG-HOST SA FIVB 2025 MEN’S WORLD
BILANG NG KASO NG DENGUE SA NCR LUMOBO
LGUs, TV stations, Simbahang Katoliko pinagkakatiwalaang sektor sa ‘Pinas