May 15, 2024

TEAM REBISCO, TALO SA ALTAY VC NG KAZAKHSTAN

Natalo ang Team Rebisco sa Day 1 game ng 2021 Asian Women’s Club Volleyball Championship. Kinapos ang PH volleybelles sa Altay VC ng Kazakhstan, 25-23, 25-13 at 25-17.


Buhay pa sana ang PH squad sa third set dahil sa magandang simula. It’y matapos lumamang ng 6-5. Kung saan, ang 3 attacks ay mula kay Michaela Belen. Ngunit, rumatsada ang team captain ng Altay na si Sana Anarkulova. Kaya, nakaalagwa ang Kazakhstan sa 12-3 run sa iskor na 17-9. Pinilt humabol ng Rebisco sa 14-20.


Kapwa nagtuwang sa 5-0 rampage sina Kim Dy at Belen. Ngunit, mula rito ay nakaratsada na naman ang Altay sa 4-2 run. Hanggang sa makuha ang set point.