Hindi umubra ang Team Philippines sa Thailand sa PNVF International Challenge. Nakuha ng Thais ang straight set win, 25-13, 25-10, 25-16 . Tinapos ni Janthawisut Sasipapron ang laro sa first set. Sinelyuhan nito ang 25-13 win mula sa down-the-line hit.
Nagkasya lamang ang Thais’ sa 16 attacks sa second set. Subalit, na-sustain nito ang matinding performance sa 25-10 win. Sa kabila ng pagtatangka ng Filipina spikers na makasabay, wala itong nagawa.
Kahit na natalo, masaya pa rin ang mga spectators sa FilOil Flying V Centre sa San Juan. Anila, nakapanood kasi sila ng laro. Bilib din sila sa world class performance ng Thailand. Siyempre, nandun ang suporta nila sa Pinay volleybelles.
Muling haharap ang Pinas sa 2nd exhibition game kontra Japan. Idaraos ito bukas, June 12, 4:00 PM.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2