April 27, 2024

LORENZANA STABLE NA MATAPOS HIMATAYIN

Nasa stable na kondisyon si Defense Secretary Delfin Lorenzana matapos himatayin sa paggunita sa Araw ng Kalayaan sa Rizal Park sa Lungsod ng Maynila noong Linggo. 

Sinabi ni Department of National Defense (DND) spokesperson Director Arsenio Andolong na pinayuhan si Lorenzana na magpahinga. 

“Secretary of National Defense Delfin N. Lorenzana is currently in stable condition and has been advised to rest after fainting during the Independence Day Flag Raising Ceremony at Rizal Park this morning, June 12,” sinabi ni Andolong.

Ang hectic na iskedyul ni Lorenzana at ang matinding temperatura sa Lungsod ng Maynila ay maaaring naging dahilan ng kanyang pagkapagod.

Kararating lang ng chief of defense mula sa Singapore Linggo ng umaga matapos dumalo sa isang diyalogo at pakikipagpulong sa mga foreign counterparts. Bumisita rin siya sa South Korea at iba pang bahagi ng Pilipinas.