May 13, 2024

“TEAM BUGHAW” NAMAHAGI NG AYUDA SA BARANGAY 12, CALOOCAN CITY


SA gitna ng patuloy na krisis dulot ng COVID-19 pandemic, namahagi ng ayuda si Congressman Egay Erice sa mga residente ng Barangay 12 sa Caloocan City.

Malaki naman ang pasasalamat ng mga residente sa mga tulong na naipamamahagi ni Congressman Erice at iba pang kasama sa ‘Team Bughaw.’

“Hindi po tayo nagpatinag sa pabago-bagong panahon upang abutin ang ating mga kababayang nangangailangan. Kasama ng Team Bughaw, pinangunahan po natin ang pamamahagi ng ayuda para sa mga kababayan natin dito sa Barangay 12. Sana po ay makatulong ang ating handog upang maitawid ang kanilang pangangailangan.” ayon sa pahayag ni Erice.

“Patuloy ang humanitarian assistance ng ating Team Bughaw. Nawa’y muling makatulong ito sa ating mga kababayan ngayon pandemya.”dagdag ng kongresista.