May 4, 2024

Tapat na Kasama

HINIMOK ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano ang mamamayan ng Pateros na piliin ang mga kandidatong inuuna ang Diyos at ang pagtupad sa pangarap ng kanyang mga mamamayan sa ginanap ang Tapat na Kasama Proclamation Rally nitong Marso 27, 2022. Inihayag niya at ng kanyang kabiyak na si Mayoral re-electionist Maria Laarni Cayetano ang kanilang kumpiyansa na maipagpalatuloy ang pag-unlad ng Taguig-Pateros sa ilalim ng pamumuno nina Taguig City Vice Mayor Ricardo Cruz Jr., na tumatakbo bilang kinatawan ng Taguig-Pateros, at Councilor Noel Dizon ng YACAP Party-list. Nagpahayag din ng suporta ang mag-asawang Cayetano kina vice mayoralty bet Carlo Santos; 1st district councilor bets Nene Bermejo, Lando Dolon, Moner Luna, Eric Mabazza, Monay Manzon, and Milaor Villegas; at 2nd district councilor bets Alden Mangoba, Totoy Maravilla, Ronnie Miranda, Jowell Raymundo, Jeric Reyes, at Marvin Sanchez. (Danny Ecito)