LIKE mother like daughter ang dating ni Tanya Percil, kaya proud Mommy si Ms. Violet Percil sa kanyang anak na si Tanya. Iyong mga achievements na natanggap ni Tanya Percil, sa tulong ng kanyang Mommy Violet kaya narating niya ng step by step ang tinatamasa niyang tagumpay sa ngayon.
“Proud po ako sa Mommy Violet ko, dami kong natutunan sa kanya. Naging madasalin ako, kasi po priority namin ni Mommy si God bago namin umpisahan ang mga gagawin namin sa buhay. Natuto akong magpatawad, umuna sa mga taong ayaw sa amin.
“Sa showbiz career, siguro natutunan ko kay Mommy iyong habaan ang pasensiya, huwag magmadali kung baga more tiyaga. Katwiran namin kung ano man gusto kong ma-achieve pagtrabahuhan ko ng may malaking effort talaga.
“Ready na po akong pasukin ang showbiz, may mga projects ng naka-standbye po. Like Mommy nasa cast siya ng ‘Black Rider’ NG GMA 7, soon to be ganoon din po mangyayari sa akin.
“Naging Miss. Little Stotomas, Batangas at ako ang nakakuha ng title. Model na rin po ako at may sponsor na rin po ako, at ito nga iyong ‘House OF BROWS & LASHES’ ako rin po tumatayong endorser nila. “Sa singing career ko naman po, nag front act na po ako sa concert ni Ms. Kuh Ledesma. Kaya ready na po akong tuluyang pasukin ang mundo ng showbiz.” Masayang lahad ni Tanya Percil.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA