May 20, 2024

MARICEL SORIANO:  TIME MANAGEMENT ANG IMPORTANTE SA DALAWANG TV SHOWS KO

YEAR ni Maricel Soriano ang 2024, bali dalawang TV shows ang kanyang ginagawa sa ngayon. Ito iyong primetime TV series na ‘Linlang,’ na mapapanood sa TV 5 at  sitcom niya sa NET25 ang ‘3-In-1’ kung saan tampok sina Eric, Epy at Vandolph Quizon. Kasama rin sina Boy2 at Vito Quizon.

“Na miss ko rin ang magkaroon TV shows, kaya nga ng i-offer nila sa akin ang ‘Linlang’ at itong ‘3-In-1’ tinanggap ko na rin.

“Iyong ‘Linlang’ isa itong matured concept at medyo may pagka heavy drama. Ito namang ‘3-In-1’ ay comedy/drama ang concept nito. “Masaya ako dahil nabigyan ko ng time ang dalawa kong TV shows na iyan, pero siyempre priority ko parin ang family ko. Time management lang kaya marami akong time sa work at family.” Kwento pa ng Diamond Star na si Maricel Soriano.