Pinakabagong brand endorser ng Globe Telecommunications si Pinoy boxing icon Senator Manny Pacquiao.
Gayunman, ang kikitain niya rito ay hindi mapupunta sa kanyang bulsa.
Kundi, ilalaan ito sa mga naapektuhan at nasalanta ng nagdaang bagyo. Kabilang na rito ang bagyong Rolly at Ulysses.
Pumirma sa ginanap na contract signing ang eight world division boxing champion bilang endorser ng Globe. Nangyari ito noong nakakaraang Miyerkoles.
“Ipamamahagi natin para sa relief operations sa mga naging biktima ngh bagyong Rolly at Ulysses ang talent fee ko rito,” ani Pacman.
“I said yes to Globe because I believe in the company, and I use the company’s services. Not only that, I am given another God-given opportunity to be of help to our kababayans in any way I can. That is why my endorsement fee for this will go to relief efforts to help our kababayans who were affected by the devastation of typhoons Rolly and Ulysses. Ibibigay natin sa mga taong ito ang ating income dito, ibabalik natin sa taumbayan para makatulong ng malaki sa ating mga kababayan na naghihirap at nagugutom ngayon at nawalan ng tahanan. Sama sama tayong babangon, that is my commitment,” pahayag ni Pacquiao.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2