May 8, 2024

Gordon Hayward, rumekta na sa Charlotte Hornets

LOS ANGELES, United States (AFP) –Pumalaot na patungo sa Charlotte Hornets sa isang deal na aabot sa $120 million sa loob ng 4 years si Gordon Hayward. Ang source na ito ay galing sa ulat ng ESPN.

Kinumpirma ng sports agent ni Hayward ang ginawang hakbang nito sa Twitter account.

Congrats to @gordonhayward on agreeing to terms with @hornets!” saad ng post.

Naging free agent si Howard nitong Huwebes nang ilaglag ang $34.2-million player option sa Celtics para sa upcoming season.

Narendahan si Hayward sa 4-year, $127.8-million contract sa Boston noong 2017. Ngunit, ng tenure niya sa team ay napurnada dahil sa injury.

Hindi siya nakapaglaro sa nasabing season dahil sa injury. Nakapagtala, siya sa 2019-20 campaign ng 17.5 points, 6.4 rebounds and 4.1 assists sa loob ng 52 games.