Naniniwala si coach Tab Baldwin na ang paglagda ni Kai Sotto sa Adelaide 36ers ay makatutulong sa national team. Aniya, mapalalakas nito ang Gilas Pilipinas.
Ang pagsampa ni Sotto sa NBL-Australia club ay maghahasa umano sa 7-foot-3 cager. Kapag hinog na, maraming pahihirapan si Kai sa laro.
Lalo na’t hinahasa ang skills at talent ng mga big man sa nasabing league.
“That league does play well to the big man’s game. It hasn’t completely gone the way that a lot of basketball has that are guard-dominated game.
“The big men in Australia still feature their play. This bodes well with the development of Kai in the future,“ani Baldwin
Pinuri rin ng Gilas program director ang resulta ng negosasyon sa pagitan ng dalawang kampo.
“Jeff (Van Gronigen, Adelaide team manager) is a great basketball man with a great story. He really knows how to put together an organization.”
“I haven’t met Conner (Henry, Adelaide head coach), but Conner, by all accounts, is an outstanding coach and an outstanding person,” ani Baldwin sa isang press conference.
Si Henry naman ay lumagda sa 36ers noong April 2020. Siya’y former NBA player bago naging head coach. Nahirang siya bilang 2014 NBA D-League Coach of the Year.
More Stories
BACK -TO-BACĶ ÙAAP MEN’S BASEBALL TITLE PUNTIRYA NG NU BULLDOGS
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na