April 26, 2024

Taas-presyo ng gasolina sa Mahal na Araw, asahan na

Naka-ambang magpatupad ng big-time oil price hike ang mga kumpanya ng langis sa susunod na linggo o sa Holy Week.

Batay sa 4-day International Petroleum Trading, posibleng umabot sa P2.20 hanggang P2.40 ang taas-presyo sa kada litro ng gasolina.

P1.45 hanggang P1.75 naman ang maaaring madagdag sa presyo ng kada litro ng diesel.

Kadalasang ini-aanunsyo ng oil companies ang price adjustments tuwing Lunes, na ipinatutupad naman tuwing Martes.