April 27, 2024

5-anyos na dinukot sa Pampanga, natagpuan sa QC

Nagtamo ng trauma ang isang 5-anyos na dinukot sa Pampanga at kalaunan ay natagpuan sa Quezon City noong Biyernes.

“Meron po talagang kaunting senyales na na-trauma po ‘yung bata sa kanya,” ayon sa ina ng bata na si Helen dela Cruz, ina ng biktimang si Ally.

Ayon kay Helen, nakita sa CCTV camera ang suspek habang bitbit ang biktima na nagpanggap na ama ng biktima, dahil sa ginawa niyang pagpitik sa kanya.

“Sabi niya pinipitik po siya,” ayon kay Helen. “Lagi po niyang sinasabi ‘yung ‘tatay, tatay’ kasi iyon po iyong sinasabi ng mama sa kaniya, na siya po ang tatay kahit hindi po naman siya iyong tatay. Pinaniwala po niya na siya iyong tatay kahit hindi naman,” dagdag niya.

Bukod dito, sinabi ni Helen na dinukot si Ally para manglimos.

Bagama’t depensa ng suspek na wala naman daw siyang intensiyon na masa at tanging nais lamang niya na alagaan ang bata, determinado pa rin si Helen na sampahan siya ng kaso.

Unang napaulat na nawawala sa Angeles City, Pampanga noong Marso 17. Natagpuan siya sa Novaliches, Quezon City noong Huwebes matapos makilala ng isang concerned citizen na si Janette Escalona matapos mapanood sa 24 Oras.