April 28, 2024

SWS: 50% NG PINOY ‘VERY HAPPY’ SA LOVE LIFE

MANILA – Limampung porsiyento ng mga Pilipino ang nagsabing “very happy” ang kanilang love life, ayon sa resulta ng national survey ng Social Weather Stations (SWS).

Ayon sa SWS, ito ang pinakamababa na kanilang naitala mula noong 2014, kung saan 49 porsiyento lang ng respondents ang nagsabi na napakasaya ng kanilang love life.

Ang survey ay ginawa mula Nobyembre 21-25 at ginamitan ng face-to-face interviews ng 1,500 katao.

Sa mga sumagot, sinabi ng 31 porsiyento na sana ay mas masaya pa ang kanilang love life habang 18 porsiyento ang sumagot na wala silang buhay-pag-ibig.

Nasa 31 porsiyento ang nagsabi na ipagdiriwang nila ang Valentine’s Day, 31 percent an undecided at 27 porsiyento ang nagsabing hindi nila ito ipagdiriwang.

Batay sa survey, mas masaya ang love live ng mga may-asawa na kumpara sa mga single at mayroong live-in partners.