May 18, 2024

SUSPEK SA PAGPATAY SA TRAFFIC SUPERVISOR SA MUNTI, ININGUSO

Bina-validate na ng Muntinlupa police ang naipon nilang impormasyon mula sa netizen at ilang saksi kaugnay sa kinaroroonan at pagkakilanlan ng suspek na pumatay sa isang traffic supervisor sa Muntinlupa City.

Ayon kay Tez Navarro ng public information office ng Muntinlupa LGU may dalawang person of interes na tinututukan ang mga police at maingat sila sa kanilang ginagawang validation lalot may involve na 200,000 halaga na reward mula kay Muntinlupa City Mayor Jiame Fresnedi at Cong Biazon.

Hindi rin umano sapat ang kuha ng cctv camera sa lugar dahil malabo ito kung saan pinagbabaril ang biktima na si Daniel Manalo.

Sinabi ni Navarro na marami nang tumatawag sa Muntinlupa hotline at police hotline kaugnay sa suspek na patuloy na tinututukan ng mga awtoridad para sa agarang pag-aresto nito.

Hindi umano titigil ang Pamahalaang Lungsod at Muntinlupa City Police hanggat hindi na bibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng biktima.

Matatandaang pinagbabaril ang biktimang si Manalo noong nakaraang linggo sa kahabaan ng National Rd., Tunasan, Muntinlupa City dahilan ng agarang nitong ikinamatay.  (Balita ni RUDY MABANAG)