May 3, 2024

Surgery sa tuhod ng anak ni LeBron na si Bronny, naging matagumpay

Naging successful ang operasyon sa tuhod ng anak ni Los Angeles Lakers star LeBron James na si Bronny.

Sumailalim sa surgey si Bronny dahil sa tinamong torn meniscus. Nagkaroon  ng tama sa nasabing parte ang batang James habang nag-eensayo.

Hindi na inilihim ni Bronny ang tungkol sa inkury nang ipost niya ito sa kanyang social media accout.

Ang sinasabing susunod sa bakas ng binansagang ‘The King’ ay naglalaro sa Sierra Canyon School. Dahil sa pinsala sa tuhod,

Kung kaya, hindi pa siya nakikita sa action. Bunsod ng pandemya. Gayunman, sisikapin nitong bumalik sa spring basketball season.

Si Bronny ay may taas na 6’2 na bibida sa docu-series na ‘Top Class’ na lalabas ngayong linggo sa Amazon. Ang nasabing dokyu ay gawa ni LeBron kasama ang partner na si Maverick Carter.

Ito ay tungkol sa 2019-2020 season ng Sierra Canyon kung saan naglalaro ang kanyang anak.