Hindi rin nagpahuli si Nora Aunor na gumawa ng ingay sa 2022 national elections. Naghain ang aktres na tinaguriang ‘superstar’ ng COC. An siste ng aktres, reperesentative ang peg niya sa NORAA Party-List o National Organization for Responsive Advocacies for the Arts.
“Sa mahigit limampung taon ko po sa entertainment industry ay marami pong umuudyok sa akin na pasukin po ang public service.“
“Ito na po siguro ang tamang pagkakataon para po pagbigyan ang mga taong nagsusulong at naniniwala sa akin; na ako po ay makakatulong lalo na po sa mga nangangailangan,” wika ng aktres.
Kabilang sa inihaing plataporma ng kanyang partylist ay pagbibigay pansin sa media. Gayunsin sa mga obrero, OFW, kabataan, senior citizens, magsasaka, kalusugan at kabuhayan.
More Stories
Anong say mo, Gretchen? ATONG ANG AT SUNSHINE CRUZ MAY RELASYON
PH bet Nina Campos 1st Place sa Euro Pop Singing Contest
MONSOUR AT NANCY BINAY SUPORTADO NG MARAMING ARTISTA