May 20, 2024

Sunod na makakalaban ni Pacquiao, ihahayag ngayong linggo

Huwag nang asahan ang Pacquiao-McGregor bout. Bagkus, may nilulutong bagong makakaupakan si Sen. Manny Pacquiao.

Ayon sa kampo ng ‘fighting senator’, ihahayag nila this week kung sino. Ayon sa eight-division world boxing champion, inaayos pa nila ang pangalan ng next opponent.

Na kung maikakasa, idaraos ito sa buwan ng April o May.

Ipa-finalize na namin this week. Kapag na-finalize na saka namin ia-announce kung sino ang makakalaban (ko sa next fight),” ani Pacman.

Kabilang sa napipisil na next opponent ni Pacquiao si IBF at WBC welterweight champ Errol Spence.

Gayundin si WBO welterweight champion Terence Crawford. Lumutang din ang pangalan ng 22-anyos na si WBC interim lightweight champ Ryan Garcia.

Kung matutuloy, sinabi ni Pacman na ala exhibition bout lang ang upaan nila ni Garcia. Na halos kasing-edad lang ng kanyang panganay na si Jemuel.

 “Nandyan din si (Ryan) Garcia pero parang exhibition lang yan, 22 years old pa lang parang anak ko na yan.”

“Pero ok lang yan parang ako ang professor (niya),” pagbibiro ni Pacquiao.