May 17, 2024

SUGAR RAY LEONARD SA KANILANG FANTASY MATCH NI MAYWEATHER; “THERE IS NO ONE WAY TO BEAT FLOYD”

“There is no one way to beat Floyd,”. Ito ang pahayag ni boxing legend Sugar Ray  Leonard sa panayam ni Mike Tyson sa Hotboxin Podcast nito.

Ang topic ng kanilang usapan ay kung ano ang gagawin niya kung makaharap si Floyd Mayweather sa isang fantasy match.

I would have to pull out all my tools and figure it out. A lot of feints and body shots.”

Opisyal na nagretiro ang isa sa boxing great na si Leonard, 64 noong 1997. Ito’y matapos na matalo kay Hector Camacho via knockout sa Round 5.

Kung may posibilidad raw na maglaban sila ni Mayweather, tiyak maku-curious ang mga fans.Aniya, makabalik siya sa nakaraan upang mabigyan si Floyd ng magandang laban.

Si Leonard ay isa sa boxing sensation noong dekada 80. May boxing record siya na 36-3-1 (25 KO’s) sa loob ng 40 laban. Nakasungkit ng gold medal noong 1976 Montreal Olympics sa lightweight class.

Kabilang sa kanyang memorable bouts ay ang pagsagupa sa ilang boxing legends. Kabilang rito si Wilfredo Benitez, Roberto Duran at Thomas Hearns