May 4, 2024

SUBSCRIBER NG DITO UMABOT NA SA 10M

Binati ng country head ng Bank of China Manila Branch na si Jun Deng ang DITO Telecommunity matapos nitong maabot ang 10 million-subscriber mark sa buong bansa.

“Congratulations on the number of subscribers of DITO over 10 Million today!” ayon kay Deng.

Ibinahagi pa nito na masyadong advance at kahanga-hanga ang teknolohiya ng DITO matapos nitong bisitahin  ang ilang Operating Centers ng DITO Telecommunity sa Davao ngayong araw.

“I also want to give many thumb-ups to POLYHUAXIN and Fiberhome for the high quality and fast construction,” dagdag pa ni Deng.

Target ng bagong major telco player, isang joint venture ng grupo ni Davao-based businessman Dennis Uy kasama ang China Telecommunications, na umabot sa may 12 million ang users ng DITO bago matapos ang taon.