May 1, 2024

STEPHEN CURRY, BET ANG PHILADELPHIA 76ERS NA MAGCHAMPION

Maagang nagbakasyon si Stephen Curry at ang team niyang Golden State Warriors. Hindi nagawa ng Warriors na rumekta sa playoffs.

Gayunman, pinapanood pa rin niya ang playoffs at inaabangan ito. Sa recent interview ni Ann Killion ng San Francsico Chronicle sa kanya, sinabi ni Curry kung sino ang bet niya.

Ito ay kung sino ang rerekta sa NBA Finals at kung sinong team ang magtsa-champion. Sinabi ng tinaguriang ‘The Chef’ na magagawa ito ng Philadelphia 76ers.

Isa pa, sinusuportahan nya rito ang kapatid na si Seth Curry. Ito raw ang magpa-finals MVP.

“I’m a pseudo-Sixer fan now,” pahayag ni Curry.

Bukod dito, naungkat din ang sitsit na hinihimok siya ni LeBron James na sumali sa Lakers. Ito’y bunsod na paso na ang kontrata ni Curry sa Warriors.

Gayunman, walang sinabing detalye rito ang 3-time NBA champion.