May 5, 2024

STEPHEN CURRY AT CANELO ALVAREZ, SUMALI SA CELEBRITY GOLF TOURNAMENT

Kahit tablado na sa 2020 NBA restart ang kanyang koponang Golden State Warriors, may bagong pinagkakaabalahan si Warriors star Stephen Curry.

Katunayan, sumali sa isang celebrity golf tournament ang tinaguriang ‘The Chef’ at nagawang makipag-square kay boxing’s pound-for-pound king Saul ‘Canelo’ Alvarez sa kasagsagan ng American Century Championship tournament.

Sa isang video na in-upload ni Alvarez, nakuhang magbiro ng mas matangkad sa kanyang si Curry na animo’y makikipagsuntukan. Nagbiro naman si Alvarez at nagpakawala ng jab na ikinagulat ni Curry.

Umatras naman si Curry habang tumatawa sa kanilang biruang sparring ni Alvarez.

Sa muling pagbubukas ng NBA, hindi kabilang ang team ni Curry na GSW dahil sa ito ang nakapagtala ng worst team ngayong season; samantalang si Alvarez ay nakatakdang muling lumaban pagkatapos na talunin si Sergey Kovalev.

Inaasahang lalaban uli si Canelo sa Setyembre at may posibilidad na makaharap niya si Billy Joe Saunders.