May 5, 2024

STEPH CURRY, KUMISLAP SA PAGPAPAK NG WARRIORS SA NUGGETS, LAMANG NA SA SERIES, 2-0

Binabantayan ni Steph Curry ng Golden State Warriors si Nikolai Jokic sa tagpong ito ng Game 2 ng 2022 NBA Playoffs West Round 1, April 19, 2022

Kumislap si Steph Curry sa pagpapak ng Golden State Warriors sa Denver Nuggets. Pinapak ng Warriors ang Nuggets, 126-106 sa Game 2 ng NBA Playoffs West Round 1.

Bumira si Curry ng 34 points, 4 assists at 3 boards sa loob ng 23 minutong paglalaro. Kumana naman si Jordan Poole ng 29 points, 8 assists at 5 boards. Habang si Klay Thompson naman ay tumipa ng 21 points at 2 boards.


Sa panig naman ng Nuggets, lumagare si Nikola Jokic ng 26 points at 11 boards. Malaking tulong ang buwenas na opensa ng Warriors. Bagamat lumamang ng maaga ang Denver sa 1st quarter, naapula ito ng Warriors.


Tinambakan sila ng Denver ng 12 points sa 2nd quarter. Pero, naungusan pagsapit ng 4 minute mark, 44-43. Kung kaya, nakuha ang lamang at naiwanan ang Denver. Lamang na sa 2-0 sa series ang Golden State.