May 18, 2024

Starlet feeling sikat… JESSY MENDIOLA, NATALAKAN NG STAGE DIRECTOR NG PIYESTA SHOW

MAY attitude problem pala ang asawa ni Luis Manzano, nag-feeling sikat siya at mukhang ni level up niya ang sarili niya sa asawa niyang si Luis. Biruin mong kapatid ng mismong may papiyesta humiling magpa- selfie na tinanggihan ni Jessy Mendiola. At ang gusto pang mangyari ay ibahin ang listing ng magpe-perform. Gusto niyang mangyari ay siya ang mahuli at iyong huli na mas sikat sa kanya ay tanggalin sa huli at siya ang ipalit.

“Grabe ang babaeng iyan, noong una ayaw pumayag sa request niya na ihuli siya ng direktor. Ang katwiran niya, lumabas siya sa FHM. Kung tutuusin mas sikat si Billy Crawford sa kanya at siya talaga ang hinihintay ng crowd.

“Sa galit ng director ng show, sinigawan ang hitad na isang starlet. Ano ba raw ang FHM sa probinsiya? Hindi naman ito kilala at hindi bibilhin dahil sobrang mahal. Wala ring nagawa si Jessy kundi ang sumunod sa direktor ng Piyesta show,” kwento ng aking source.