May 18, 2024

SHARON, GABBY MAGSASAMANG MULI SA ISANG MOVIE PROJECT

AFTER ng matagumpay na concert nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta na ‘Dear Heart’ na ginawa sa MOA. Plano naman ng dating mag-asawa na sina Gab at Sha, na gumawa sila ng isang movie project para muli nilang pakiligin ang kanilang mga fans.

“May pinaplantsa na hong movie project sa dalawa, pero pinag-uusapan pa kung gitna na ng taong 2024 ipalabas o baka pang Valentine’s day offering nila ito sa kanilang mga fans.

“Tikom pa rin ang bibig ng dalawa kung Viva Films ang magpo-produce nito o ibang movie outfit, pero sana matuloy dahil makakaasa naman sila na hanggang ngayon ay patuloy na nakasuporta ang kanilang mga fans sa anumang project na kanilang gagawin.

“Hindi maikakaila na hanggang ngayon ay talagang inaabangan ang tambalang Sharon at Gabby, dahil hindi lang sila na miss ng kanilang mga fans kundi nasa puso na ang dalawa sa mga ito,” salaysay pa ng aking source.