May 3, 2024

SPUTNIK V DARATING SA ABRIL 28

Iniurong sa Abril 28 ang pagdating ng 15,000 doses ng Sputnik V COVID-19 ng Gamaleya Research Institute ng Russia, ayon sa National Task Force (NTF) against COVID-19.



Naantala umano ang inaasahang pagdating sana ng mga bakuna kahapon dahil sa “logistic concerns.”

Ayon kay Government vaccine czar Carlito Galvez Jr., nasa isa hanggang dalawang milyong doses ng Sputnik V ang darating sa susunod na buwan habang may karagdagang dalawang milyong doses na darating sa Hunyo.

Bukod dito, ang dalawang milyong doses ng Sinovac ay inaasahang darating sa Mayo at 4.5 million sa Hunyo.

Ang 195,000 doses ng Pfizer ay darating sa katapusan ng buwan. Umaasa naman si Galvez na darating ang initial 194,000 doses ng Moderna vaccine sa susunod na buwan.