MAGANDANG balita para sa mga hindi nakasubscribe sa premium plan ng Spotify dahil maaari na rin nilang ma-enjoy ang ilang dating eksklusibong features nang libre.
Inanunsyo ng music streaming giant na ang Pick & Play, Search & Play, at Share & Play ay available na ngayon sa free tier users.
Narito ang ibig sabihin ng mga bagong dagdag na features:
Pick & Play – makakapili at makakapag-play na agad ng kahit anong kanta.
Search & Play – puwedeng mag-type ng pangalan ng kanta, artist, o album at pakinggan ito kaagad.
Share & Play – mabilis na mapapakinggan ang mga kantang sine-share ng kaibigan o artist sa social media.
Bukod dito, maa-access na rin ng free users ang lyrics feature at ang Daylist, na gumagawa ng personalized playlist base sa music habits ng listener sa iba’t ibang oras ng araw.Matatandaang noong Agosto, inanunsyo rin ng Spotify ang bagong messaging feature na bukas para sa parehong free at premium subscribers. (LIMUEL TOLENTINO)
