June 21, 2024

Sport Gems: Baby Dalupan and Tim Cone, ‘The Masters of Triangle’

Na sa iisang team o prangkisa, nasungkit nina Legendary Coach ‘The Maestro ‘Virgilio “Baby” Dalupan at Coach Earl Timothy Cone (CTC) ang kanilang ika-15th Championships.

Ito ay bilang Head Coaches ng Purefoods franchise.

Nakuha ni Coach Baby Dalupan ang kaniyang ika-15th Championship (na PBA Record Championships ng isang Head Coach noon) bilang coach ng Purefoods kontra sa Alaska. Na minamanduhan naman ni Coach Tim Cone noong 1990 Third Conference.

Pagkalipas ng 23 taon, natapatan naman ni CTC ang 15 Championships na iyan ni Coach Baby Dalupan noong 2013 ng mag-Champion ang SAN MIG COFFEE MIXERS (Purefoods Franchise) sa Governor’s Cup, na siya na ang Head Coach.

Parehong GRANDSLAM coaches ang dalawa at dito sa Pilipinas. Si Coach Baby Dalupan ang Winningest Coach sa College Basketball na may 12 Championships sa UE Red Warriors sa UAAP.

2 Championships naman sa NCAA (bilang coach ng Ateneo De Manila University noong nasa NCAA pa ito) at may kabuuang 52 Championships sa Amateur at Professional Basketball.

 Si CTC naman ngayon ang Winningest Coach sa PBA na may kabuuang 23 Championships.