May 17, 2024

SOPHIE ALBERT, THANKFUL DAHIL SA PAGGALING NG PAMILYA NIYA SA COVID-19

nihayag ni Sophie Albert na matindi ang pinagdaanang pagsubok ng kanilang pamilya. Tinamaan kasi sila ng COVID-19.

Inihayag ni Sophie Albert na matindi ang pinagdaanang pagsubok ng kanilang pamilya. Tinamaan kasi sila ng COVID-19. Aniya, lahat sila sa pamilya nila ay kinapitan ng virus.
Nangyari ito matapos niyang iluwal ang panganay nila ni Vin Abrenica na si Avianna. May pinost na video si Sophie sa YouTube tungkol sa paglaban nila sa virus.


“Our family driver got COVID from his son that he picked up from the airport. Even when we quarantined our driver when he picked up his son from the airport, we sent him to a quarantine facility for two weeks and he tested negative,” salaysay ng aktres.


Kaya, ang hinuha nila ay wala namang COVID ang driver. Akala nila ay sobrang pagod lang ito. Pero after few days, nilagnat ang kanilang cook.

Kaya pala, positive na pala ito sa virus.
Ngunit pagkalipas ng ilang araw, nagkalagnat na rin ang kanilang cook hanggang sa nag-positive na rin ito sa virus. Doon na nagsimula na magkahawahan sila.


Gayunman, laking pasasalamat ni Sophie dahil naka-recover sila. Lalo na ang paggaling ng kanyang daddy at ni Avianna.