May 2, 2024

IVANA ALAWI, GIRL CRUSH SI LIZA SOBERANO

Naging usap-usapan ang pagsabi ni Ivana Alawi sa 2nd anniversary ng kanyang vlog. Nagviral kasi ang sinabi niyang girl crush niya ang aktres na si Liza Soberano. Binati kasi ni Liza ang vlogger about sa anniversary ng vlog nito na million ang subcribers.


Ang kapatid niyang si Mona ang nagsorpresa kay Ivana about greetings. Nagulat si Ivana dahil binati siya ni Liza.


Kaya naman, kinilig si Ivana at nagfeeling tibo dahil sa aktres. Banat nga ng mga kinikilig na netizens, natomboy si Ivana kay Liza. ‘E kasi naman, ang lakas ng dating at ang ganda-ganda nito.


Bawi naman ni Liza, sana raw ay magcollab sila ng social media influencer at vlogger.