Napa-#sana all ang mga naging komento ng mga netizens nang ibalita ng San Miguel Corporation the other day na bebentahan nito ng bicycles ang kanilang mga empleyado sa kalahating presyo ng unit at hulugan sa isang taon ang bayad.
Kung ang presyo ng bisikleta ay P6,000 to P10,000 halimbawa, sagot na ng SMC management ang kalahati habang ang kalahati ay huhulugan na ng empleyado sa pamamagitan ng salary deduction scheme sa loob ng isang taon.
Malaking tulong ito sa SMC dahil masisiguro ng management na walang male-late, walang absent, at on-time ang workforce. Dahil dito, on time din ang production & delivery ng goods and services ng kumpanya resulting to higher profits, winning the competition and getting more markets.
Tipid sa pamasahe, good health at iwas tardiness ang pagbibisekleta to and from work.
May mga risks sa employees and management ang concept gaya ng pagod kung sobrang layo ng biyahe, exposure sa pollution at mga aksidente. Pero lahat naman ng konsepto gaya nito may kaakibat na risks factor.
But definitely, other business owners, employers and companies should go out of their way particularly during this pandemic crisis to think of not just getting more profits but get more profits and ensure employees also shares with and benefits from those profits.
Sa mga sir & mam ng San Miguel Corp. baka pwedeng ilibre na yang mga bisikleta sa mga employees nyo! Wish ng ibang employees sa kanilang employers: #sanaall!
More Stories
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!
‘PASINGAW’ NG LPG NI ‘ERIC’ SA TIAONG, QUEZON WALANG SINASANTO AT WALANG KINAKATAKUTAN
LANDBANK INUPAKAN SA MALIIT NA PAUTANG SA MAGSASAKA, MANGINGISDA AT P3.6-B UTANG NG MARIKINA