HUMAKOT ng 143 medalya — 53 ginto, 59 silver at 31 bronze — ang 60-man swimming team mula sa Swim League Philippines (SLP) sa katatapos na 15th SICC Junior Swimming Championship nitong Agosto 26-27 sa Singapore Island Country Club sa Lion City.
Pinangunahan nina Johan Riley Busadre ng South Warriors Swimming Team at Anya Dela Cruz ng JASST ang arangakada ng batang Pinoy sa torneo na nilahukan ng 347 atleta mula sa 12 bansa matapos magwagi ng kabuuang 11 gintong medalya at tanghaling Most Outstanding Swimmer (MOS) sa boys 8-9 at girls 10-11 category, ayon sa pagkakasunod.
Humirit din ang club mate ni Busadre na sina Katterina Kleine Macaraig sa girls 16-17 (2 golds, 1 silver at 2 bronze); Bella Aaliyah Fano sa girls 12-13 (4 golds at 4 silver); Jaiden Jose Busdare sa boys 10-11 (2 golds, at 1 bronze); Marcus Jared Dula sa boys 10-11 (3 golds at 5 silver); John Angelo Andaya sa boys 12-13 (1 gold); Kyle Jonel Salvador sa boys 16-17 (2 silver); Feriz Gabriel Españo sa boys 16-17 (2 silver at 1 bronze); Jhunery Vinluan sa boys 14-15 (1 silver at 1 bronze); Kassandra Kiersten Macaraig sa girls 14-15 (2 silver at 1 bronze), Orianthi Gamboa sa girls 8-9 (5 silver at 1 bronze); at Nohj Nathaniel Camilon sa boys 10-11 (1 gold at 3 bronze).
Kumana naman para sa Cavite Sea Beast Swimming Club sina Alex Cassandra Olaes sa boys 12-13 (3 silver); Johan Jace Cesa sa boys 10-11 (1 silver); Victoria Raffaela Sabale sa girls 10-11 (1 gold); Josh Steven Cesa sa boys 15-16 (1 silver); at Nathan Ira Sabale boys 17-over (1 silver); at David Joshua Buenavista sa boys 14-15 (1 bronze).
Kuminang naman para sa Northern Sharks Club sina Justine Africano ( 3 gold, 3 silver at 2 bronze); Louise Guimbarda (3 silver at 4 bronze); Victor Aricano (3 golds, 1 silver at 1 bronze); habang nagambag sina Chrisella Los Banes ng 3 ginto at Sophia Mallorca ng isang bronze mula Minuluan Pirates team.
Sa JASST swim team, angat sina Mignonette Xedelle Legaspi sa girls 12-13 (2 silver); Naomi Shianel G. Repollo sa girl 14-15 (1 silver); Merraiah Cszandra R. Aguilar sa girls 10-11 (3 golds at 1 silver); Daenerys Gwen Villanueva sa girls 10-11 ( 2 gold at 1 bronze); Ignazio Javier Avellanosa sa boys 7&under (4 golds, 1 silver at 1 bronze); Dirk Yohance R. Baring sa boys 12-13 (1 gold, 1 silver, 1 bronze); Matt Zion Bongco sa boys 14-15 (1 bronze); John Renz Javierto sa boys 12-13 (1 bronze); Arbeen Miguel Thruelen sa boys 17-over (1 gold , 8 silver); Paulene Beatrice Obebe sa girls 14-15 (2 golds, 3 silver at 3 bronze); Aleyah Chavez sa girls 14-15 (1 silver); Amber Dela Cruz (14-15 girls, 2 silver); Anya Dela Cruz ; Lance Bautista ( 8-9 boys, 1 gold, 2 silver 3 bronze); Alexa Cusipag (10-11 girls, 1 gold); Soleina Phylicia Vasquez (16-17 girls, 2 golds, 1 silver 1 bronze); Lucas Carlisle Vasquez ( 12-13 boys, 2 golds).
Ang SLP na pinamumunuan nina President Fred Ancheta, Chairman Joan Mojdeh at Chairman Emeritus Sen. Manny Pacquaio ay isa sa pinakamalaking swimming club sa bans ana tumutulong sa grassroots sports development program ng Philippine Aquatics, Inc. na pinamumunuan nina President Miko Vargas at Sec-Gen Batangas 1st District Congessman Eric Buhain. Itinalagang head of delegation si SLP National Director Joey Andaya, habang coaches sina Hans Rafael Sumalde at Marlon Dula.
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW