May 13, 2024

SLAM DUNK ‘ THE MOVIE’ IPALALABAS SA DISYEMBRE 2022

Matutuwa ang mga avid fan ng anime na Slam Dunk dahil muling masisilayan ang bagong tsapter nito. Katunayan, ipalalabas ang ‘The Movie’ nito sa December 3, 2022. Ipalalabas naman ang movie teaser nito sa July 7. May pamagat itong ‘ The First Slam Dunk.

Kalat na rin sa social media ang movie posters nito na ikinatuwa ng mga fans. Lalo na ng mga basketball enthusiast. Makikita sa poster sina Rota Miyagi, Hisashi Mitsui at Kaede Rukawa.

Makikita rin sa Twitter ang iba pang poster nito. Kung saan, kasama na si Hanamichi Sakuragi at Takenori Akagi. Ang nasbaing movie ay isinulat at idinerehe ni Inoue Takehiko. Unang nasilayan ang Slamdunk sa pahina ng weekly manga comics na Shonen Jump noong dekada 90.