Bukas na ang NBA finals Game 1 sa pagitan ng Los Angeles Lakers at Miami Heat. Marami ang pabor sa Lakers na mananalo ng championship.
Pero, para sa mga Pilipino, hati ang opinyon nila lalo na ang fans ng Lakers. ‘O maging fans ng Heat.Kahit sinong team ang mag-champion, walang problema. Kasi, kababayan natin ang coach ng Heat.
Teka, sino ng aba talaga ang lamang sa series? Magpapakatotoo na tayo. Sa experience, lamang ang Lakers.
May NBA finals appearance na kasi sina LeBron James (10 times), Danny Green (4 times), JaVale McGee (2 times) at Dwight Howard (2 times).
Tatlo sa kanila ang may NBA crown na sina LeBron, Green at McGee.
Sa Heat naman, si Andre Igoudala lang ang may NBA finals appearance (5 times) at 3 time champ sa Golden State Warriors.
Pagdating sa line-up, lamang din ang Lakers. Sa bilis kaya at transition? Medyo makasasabay ng Heat.
Tingnan natin. Exciting itong finals at kakaiba dahil sa may pandemic. Kayo, mga ka-Slambang, sino sa tingin n’yo ang mananalo sa Game 1?
More Stories
BOSTON BINIGO ANG HEAT TUNGO SA EAST SEMIFINALS
SAN MIGUEL BEERMEN PATULOY SA PAMAMAYAGPAG
PANGASINAN KAMPEON SA PNVF U18 CHAMPIONSHIPS (Sa tulong ng kanilang coach na Math Teacher)