BIYAHE: A Journey of Love
PITAK FILIPINO
Ni Socrates L. Pimentel
MATAGUMPAY na isinagawa ng BSE 1B at BSTM 1B ng Parañaque City College (PCC, itinatag 2014) ang pinagsanib na proyekto ng Music Video at Movie Trailer na may temang “Sining ng Pagpapahalaga: Pagsasabuhay ng Maka-Diyos, Makatao, Makakalikasan, at Makabansa sa Makabagong Paglikha ng Kabataang PCCian”.
Bahagi ito ng dalawang asignatura sa General Education sa ilalim ng School of Liberal Arts, Sciences, and Teacher Education sa pangunguna ni Dean Jaime Gutierrez-Ang, PhD – ang Pagpapahalaga sa Sining (Art Appreciation) ng BSE 1B at PCCian Core of Values ng BSTM 1B ngayong Unang Semestre 2026-2027.
Sampung grupo ang lumahok: lima bawat seksyon, 9-10 kasapi bawat grupo. Bawat grupo ay may takdang obra at malikhaing poster bilang promotional material: Group 1, Biyahe; Group 2: Pusong Ligaw; Group 3: Ang Huling El Bimbo; Group 4: Noli Me Tangere; at Group 5: El Filibusterismo.
Ang mga nagwagi: Overall Best Poster: Unang Puwesto, BSE 1B Group 4 (Noli Me Tangere); Ikalawang Puwesto, BSTM 1B Group 3 (Ang Huling El Bimbo); at Ikatlong Puwesto, BSE 1B Group 3 (Ang Huling El Bimbo).
Best Music Video: Unang Puwesto, Biyahe (BSE 1B); Ikalawang Puwesto, Pusong Ligaw (BSTM 1B); at Ikatlong Puwesto, BSE 1B Group 3 (Ang Huling El Bimbo).
Best Movie Trailer: Noli Me Tangere (BSE 1B) at El Filibusterismo (BSE 1B).
Special Awards: Best Actor, Johnpaul Diuyan (BSTM 1B); Best Actress, Princess Shane A. Tubania (BSTM 1B); Best Supporting Actor, Adrian C. Alburan (BSTM 1B); Best Supporting Actress, Princess Allyca Jane R. Fedelin (BSE 1B); Best Editor, Elisha Florenze Tribdino (BSTM 1B); at Best Director, Erczhel B. Atuan (BSTM 1B).
Nagsilbing hurado sina Dr. Debbie F. Dianco at Prof. Elena E. Ferrer. Ang lahat ng nagwagi ay tumanggap ng Sertipiko ng Pagkilala at Medalya.
Higit pa sa requirement ay patunay ito na sa PCC ang edukasyon ay buhay, gumagalaw, umaawit, at umaarte – tunay na diwa ng pagiging Pilipino.
Mabuhay ang BSE 1B at BSTM 1B! Mabuhay ang PCC! Mabuhay ang Sining at Pagpapahalagang Pilipino!
