
Uminit ang opensa ni Anfernee Simons para sa Portland TrailBlazers. Bagamat kulang sa player, nagawa ng team na pisain ang Los Angeles Lakers, 107-105.
Gumawa si Simons ng 29 points at 5 assists. Nag-ambag naman si JUsuf Nurkic ng 19 points at 12 rebounds. Bumira naman sa Lakers si LeBron James ng 30 points, 7 boards at 7 assists. Habang si Anthony Davis naman ay gumawa ng 17 points at 7 rebounds.
Hindi naman nakalaro si Russell Westbrook sa Moda Center dahil sa DNP.
Isang big game na naman ang ipinamalas ni DeMar DeRozan. Sinuwag ng Chicago Bulls ang Charlotte Hornets, 121-109. Pumoste si DeRozan ng 36 points, 5 boards at 4 assists.
Nag-ambag naman si Zach Lavine ng 27 points at 7 rebounds. habang 18 points naman ang ibinuslo ni Nikola Vucevic.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo